Receive Updates Thru Email!   

Access Pinoy

Pinoy and Hollywood Entertainment Tidbits


May Kinikilingan Ba si Laguardia?!?!

Bookmark and Share
Posted by antoine on September 21, 2007


 

May dapat i-explain bago mag-complain si MTRCB Chair Conso­liza Laguardia.

 May balita (balita ha, hindi tsismis) na kuma­kalat na diumano, pi­na­ga­gawa ng fake na mi­nutes of the meeting ang board secretary ng MTRCB dahil wala sa minutes of the meeting ang memo circular na inilabas ni Laguardia para sa extension ng va­lidity ng mga deputy ID?

True kaya ang umi­ikot na balita na nanga­ngailangan ng expla­na­tion mula kay Laguar­dia?

May kinalaman pa rin ang balita sa isyu ng paghingi ng Om­buds­man ng au­then­ti­­cated copy  ng memo circular kaya biglang nagpa­tawag si Laguardia ng emergency meeting noong  Lunes.

Nataranta raw si La­guardia dahil alam niya na walang MTRCB re­so­lution ang memo­ran­dum tungkol sa ex­ten­sion ng mga deputy ID kaya illegal ito.

‘Yan na nga ba ang sinasabi ko. May mga problema na dapat ayu­sin sa MTRCB pero inu­una ni Laguardia ang pakikisawsaw sa mga showbiz issue na wala naman siyang direktang kinalaman.

* * *

Naalaala ko tuloy ang kuwento noong ipa­tawag ni Laguardia sina Joey de Leon at Willie Revillame.

Araw ‘yon ng Bi­yer­nes.Pumayag si Joey na pumunta sa opi­sina ng MTRCB para pagbig­yan ang meeting na ni­re-request ni La­guar­dia.

Alas-tres nang ha­pon ang meeting pero naging 5 pm ito. Natural, hindi na puwede si Joey ng 3 pm dahil may taping siya ng Mel & Joey.

Imbiyerna raw si La­guardia dahil biglang hindi pumuwede si Joey. May mga text message siya na “ I want Joey now’ “ dahil nangako si Joey na sisipot sa meeting.

Napaka-demanding niya ‘ha? Hindi man lamang siya gumagamit ng salitang please.

Take note, siya mis­mo ang nagpa­pa­dala ng mga text message.Hindi ang kanyang sekretarya o mga tauhan kaya napagbibintangan siya ng power-tripping!

Totoong nangako si Joey na sisipot sa meet­ing pero 3 pm siya avail­able at hindi 5 pm.

‘Yun pala, 5 pm pa puwede si Willie dahil  inaabot ng 3 pm ang Wowowee.So, luma­labas na gustong i-set up ni Laguardia si Joey dahil kung magpapang-abot ang dalawa sa kan­yang opisina, baka ma­pilitan si Joey na maki­pagbati kay Willie.

Kanino mapupunta ang credit? Sino ang magiging bida ? Sino pa? Eh di si Laguardia dahil naging peace­maker siya.

Paano kung walang taping si Joey at nag­punta ito sa MTRCB? Siya ang magmu­muk­hang masama kung hindi siya makikipag­kasundo kay Willie sa harap ni Laguardia!

Basang-basa ko na ang mga kilos ni Laguar­dia.Talagang naimbyer­na siya dahil nabale-wala ang kanyang effort na mapagbati sina Willie at Joey.Lalo siyang nairita dahil hindi na nga nagpaparinig si Joey pero nagsusuot naman ito ng mga t-shirt na may tatak na 2-0.

Palagi niyang inililig­tas ang sarili kahit sa kan­ya nangggaling ang mga utos na dapat sus­pendihin si ganito o ga­nire.Siya ang nagdi­dik­ta sa mga TV net­work ng guidelines na dapat ilabas pero kapag nag­ka­bukingan, sina­sabi niya na initia­tive ‘yon ng TV net­work man­age­ment.

May mga nagtata­nong sa akin kung bakit pinag-aaksa­yahan ko ng panahon si Laguardia. Ba­kit hindi?  Hindi tama na pabayaan natin na masunod ang mga gusto niya na wala sa batas at hindi nakasulat sa MTRCB rules.

May karapatan ako na kuwestyunin ang kanyang pamamalakad dahil public official siya. Good taxpayer ako at galing sa kaban ng bayan ang ipina­susuweldo kay Laguardia at sa ibang public official kaya karapatan ko na mag-demand ng explanation kapag may nakikita ako na mga kapalpakan sa kanilang pama­malakad!

* * *

Malamang, absent pa rin bukas sa Startalk si Joey. Bukas ko pa mala­laman ang latest update tungkol sa kan­yang indefinite leave of absence bilang co-host ng Startalk.

Hindi ako magtataka kung manood bukas ng Startalk si Laguardia dahil gu­gu­wardyahan niya ang mga sasa­bihin ko sa TV.

Hindi ako magugulat kung ako na­man ang pag-initan niya dahil hindi ako nangingimi na sabihin ang aking mga puna sa kanyang maling pama­malakad.

May mga nagsabi nga sa akin na baka ako ang susunod na i-suspend ni Laguardia dahil mapaghiganti siya. Sooo? Hangga’t wala akong mali na gi­­na­­­gawa, wala akong dapat ika­ba­hala. Never akong matatakot sa kanya!

SOURCE: Lolit Solis of philstar.com

Related Posts with Thumbnails

Filed Under: News » Tags:

Most Commented Posts This Month:

  1. None found
 

Leave a Reply

Access Pinoy eBuzz on Facebook
Celebrity Finder:  

Marian Rivera

Angel Locsin

Kim Chiu

John Lloyd Cruz

Dingdong Dantes

Gerald Anderson

Sarah Geronimo

Bea Alonzo

Anne Curtis

Piolo Pascual

Richard Gutierrez

Sam Milby
  Categories:  
  Archives:  
  Blogroll: