Kumpirmadong isa sa leading ladies ni Richard Gutierrez sa Kamandag series ng GMA 7 si Maxene Magalona na dapat ay noon pa niya nakapareha sa Mulawin.

Si Maxene sana ang gaganap noon sa papel na Alwina na napunta kay Angel Locsin.
That time kasi ay first year college pa lang si Maxene at priority niya noon ang kanyang studies.
“Ngayon naman, fourth year college na ako at pwede nang ayusin ‘yung schedule ko at maganda ‘yung role ko sa Kamandag, kaya tinanggap na namin.
“Saka excited din akong makapareha si Richard,” sey ni Maxene.
Hindi kumibo si Maxene sa biro sa kanya na may dapat ipagpasalamat sa kanya si Angel dahil kung tinanggap niya noon ang Mulawin ay hindi sana sumikat si Angel.
Source: Jun Lalin of abante-tonite.com











