Nasanay tayo na makita si Sam Milby na laging naka-bungisngis on television, pero nu’ng Linggo sa The Buzz ay nagbigay ng pahayag si Sam tungkol sa Sofitel issue na iniuugnay sa kanila ni Piolo Pascual. Halatang may galit sa mga mata ni Sam sa mga naisulat umano ni Manay Lolit Solis na nakita raw sila ni Piolo sa Sofitel nu’ng nakaraang Biyernes sa may coffee shop sa poolside ng nasabing hotel.


Sinabi ni Sam na imposibleng mangyari ‘yun dahil during that particular time ay kasalukuyan umano siyang nagpapagupit sa Toni and Guy Essensuals sa Ortigas at bumalik siya sa shooting ng pelikula niya sa Alabang.
Dagdag pa ni Sam, hindi raw niya kilala si Manay Lolit, hindi niya kilala ang TV host/columnist ng personal para isulat siya ng ganito. Masyado raw below the belt ang mga naisulat tungkol sa kanila ni Piolo, ayon pa kay Sam.
Nang tanungin ni Boy Abunda si Sam kung ano ang mensahe niya para kay Manay Lolit ay agad na sinabi ni Sam na, “ I don’t know you personally. I demand a retraction of the article or public apology.”
Pag hindi raw ito ginawa ni Manay Lolit ay itutuloy ni Sam ang demanda.
Ayon pa sa balita, hindi na rin daw pinahintulutan ng Star Magic si Piolo Pascual na magsalita tungkol sa isyung ito, dahil kung ating matatandaan ilang beses na ring nagsalita si PJ tungkol sa ganitong isyu pero unfortunately patuloy pa rin siyang binibira.
Balitang nagkikipag-coordinate na rin daw ang abogado ni Piolo sa lawyer ni Sam tungkol kaugnay ng usaping ito.
As we write this, hindi pa namin knows kung saan hahantong ang lahat. Hindi pa rin namin alam kung ano ang say ni Manay Lolit sa sinabi ni Sam but knowing Manay Lolit, she won’t take this sitting down.
Hindi pa rito nagtatapos ang labanang ito. Abangan ang mga magaganap sa mga susunod na araw.
‘Yun na!












February 12th, 2008 at 11:18 pm
yan!! dapat makarma to..