DAHIL sa lakas ng naging pagtangkilik ng mga batang manonood sa superseryeng Super Inggo, inihahandog ng ABS-CBN ang pinakahihintay na pagpapatuloy ng programa, ang Super Inggo: Ang Bagong Bangis na magsismula na sa November 3.
Sa Super Inggo 1.5: Ang Bagong Bangis, magpa-patuloy ang paglalakbay ng ating paboritong batang superhero. Manaig kaya ang kapangyarihan ng kanyang busilak na kalooban laban sa kanyang nagmumultong nakaraan?

Maging sapat kaya ang pag-ibig para maprotektahan niya ang mga mahal sa buhay laban kay Prince of Darkness atsa kampon nito?
“Siguradong masisiyahan ang mga fans ng superserye sa Super Inggo 1.5,” ani Raymund Dizon, production manager ng programa. “Magiging kapana-panabik ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan sa bawat isa. Ang bangis talaga kaya sigurado ako mag-i-enjoy ang mga manonood. Balentungan na uli,” dagdag pa niya.
Makakasama pa rin ni Makisig sina Jairus Aquino (Jomar), Angelu de Leon (Pacita), Nova Villa (Lola Juaning), Kathryn Bernardo (Maya), Meryll Soriano (Super Inday), Kaye Abad (Tikbalang), Zanjoe Marudo (Super Islaw) at Jacob Dionisio (Prince of Darkness) sa sequel ng Super Inggo.
Mapapanood naman ang mga baong tauhang gagampanan nina Bobby Andrews (Binatang X), Rustom Padilla (Super Inday), John Prats (Protec-thor), Erich Gonzales (Maeboo), Jaymee Joaquin (Bianca Bankera), Dionne Monsanto of Pinoy Big Brother Season 2 (Salonna), Marvin Raymundo (Nenok), Joshua Dionisio (Mighty Ken) at Andrew Muhlach (Amazing Teg). Sila kaya’y kaaway o kakampi?
Muling nagbabalik ang mahika ni Super Inggo para bihagin ang inyong mga puso tuwing Sabado. Sa direksyon ni Manong Gilbert Perez, manood ng Super Inggo 1.5: Ang Bagong Bangis, magsisimula ngayong November 3 sa ABS-CBN.











