ABS Sues AGB Nielsen Over TV Ratings Cheating, AGB Nielsen Tags GMA7 as Culprit of the Scam

Date December 20, 2007

Digg Del.icio.us Reddit


Inamin na ng AGB Nielsen Media Research na natunton ang ilan sa mga bahay o households na nilagyan nila ng metering panel na ginagamit sa pagsukat ng TV ratings.

Pinangalanan din ng AGB ang istasyon na tinutukoy na siyang umanong tumunton sa mga households.

Sa press conference ng ABS-CBN Broadcasting Corporation noong Biyernes, ipinakilala ang isang testigo na may mga alegasyong may anomalya umano sa TV ratings sa Bacolod.

Nitong Miyerkules, pinangalanan na ng AGB Nielsen Media Research na GMA-7 ang TV network na tinutukoy sa alegasyong pagtunton sa mga household sa Bacolod na nilagyan ng metering panel na siyang ginagamit sa pagkuha ng TV ratings.

Pero sabi ng AGB na walang tampering o manipulasyon na nagyari taliwas sa alegasyon ng testigo na lumapit sa ABS-CBN na binayaran siya para alamin kung sinu-sino ang mga sinu-survey ng AGB sa Bacolod at pagkatapos ay binayaran ang mga sinu-survey para ang panoorin ay ang mga programa ng istasyon.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng AGB na promotional activities lang umano ang ginagawa ng GMA-7 sa nasabing households.

Iginiit nilang walang anomalya o maniobrang nagaganap sa ratings.

“That investigation really brought us to establishing that there were some or a few homes that were actually exposed as part of some promotional activity. In this case the allegations pertains to GMA,” ani Maya Reforma, general manager AGB.

Ayon pa sa AGB, hindi sapat ang bilang ng households na tinutukoy upang maapektuhan ang resulta ng TV ratings survey.

Sabi naman ng ABS-CBN, walang sapat na batayan ang research company para sabihing hindi apektado ng households sa Bacolod ang resulta ng TV ratings.

“They have to check each and every member kasi we’ll be able to judge whether the breach is serious until you have checked each and every panel member home. So hindi mo masabi na wala siyang impact o walang effect o gaano karami ang tinamaan ng ganoong klaseng activity,” ani Vivian Tin, chief officer ng Research and Business Analysis ng ABS-CBN.

Batay din daw sa kwento ng testigong kusang-loob na lumapit sa ABS-CBN hindi promotional activities lang ang isinagawa.

“Pinupuntahan namin ang mga bahay na may AGB device, nagbibigay kami ng offer P500 cash o groceries kada buwan, madalas tinatanggap nila ito dala ng kahirapan at kinukumbinsi namin sila na lumipat sa kabilang channel,” ayon sa testigo.

Itinanggi naman ng GMA-7 na sangkot sila sa anumang “tampering” o pagmamani-obra ng AGB ratings.

Nilinaw nilang ang anumang promotional activities na kanilang ginagawa ay targeted sa pangkalahatang populasyon ng telebisyon at hindi sa panel homes ng AGB.

Pero malinaw ang hiling ng ABS-CBN sa korte nitong Miyerkules na pansamantalang ihinto ng AGB ang kanilang survey hangga’t hindi pa nila naiimbestigahan ang anomalya at nalilinis ang listahan ng mga households na sinusurvey.

Posible raw kasi na hindi lamang sa Bacolod nangyayari ang anomalya.

Maglalabas ang Quezon City Regional Trial Court ng desisyon sa Huwebes ukol sa temporary restraining order na hinihingi ng ABS-CBN.

“‘Yun lang naman ang sinasabi natin, tingnan o icheck lahat linisin wala tayong hinihingi na dapat maging ganito ang result o dapat maging ganyan. Basta kung ano yung totoo,” ani Tin.

7 Responses to “ABS Sues AGB Nielsen Over TV Ratings Cheating, AGB Nielsen Tags GMA7 as Culprit of the Scam”

  1. jm said:

    hahaha… na buking din!!! dito nga samin nagpunta din yung nanunuhul na yan eh!!!! sorry kayo marami ako pera kaya hindi ako magpapadala sa suhol nang kanguso!!!!

  2. randy said:

    sus…gumawa lang ng iskandalo yang abs cbn kc nilalayasan na sila ng mga advertisers. talo na sa surveys, mataas pa ad rates. hindi nakakapagtaka na ang talunan for so many years e magisip ng paraan para mabago ito. nakaaawa lang ang attempt ng abs cbn this time. wala naniniwala sa kanila. fyi, im not from any of these channels. pero marketing professional….hehehe.

  3. jm said:

    randy, kung advertising rates lang ang pag uusapn, di hamak na mas malake ang sa abs cbn…. tingnan mo na lang, bago ka mag salita nang ganyan…. eh ang GMA nga kung hindi pa man daraya nang ratings wala pang mag aadvertize….. tapos ang lakas nang loob nyong savihin na hnd istilo nang GMA ang mandaya..? Eh may TISTIGO at Ebidensya na nga… Kaya nga mismong GOBYERNO na ang nag patigilo nang ratings…. kasi napatunayan na may dayaan… kung yung malayong lugar na bacolod ay nadadya… How much more yung mas malapit, gaya nang MEGA Manila, metro manila…. HMMMMMM….? Kung walang Apoy walang usok!!!! Cheaters never wins! kaya kahit nandaraya ang GMA ay hangang LUZON lang ang kayang mag number 1 nila…. KAsi hnd nila kayang mag bayad hangang mindanao, maxado silang magagastusan… Xiempre Intsik si GOZON, meaning KURIPOT….hahahaha…. MANDARAYA!!!!!!

  4. raki said:

    ..KOREK K DYAN JM!.,sino ba talunan randy?.,

  5. raki said:

    ..PS:pinagmalaki mo pang MARKETING PROFESIONAL KA!

  6. jm said:

    hindi yata nakakintindi na magkaiba yung promotional activities sa pandaraya..? may promotional activties ba na nakatuon langsa mga panl homes nang AGB…? Saka kung gusto nang katothanan nang GMA dapat and dinimanda nila ay AGB din…? Bakit ABS..? Hindi kaya, natatakot ang GMA, kaya and dinimanda nila ay ang Abs at hindi ang AGB..? natatakot ba sila na ibulgar nang AGB na mayroong ngang dayaan..? at ang nasalikod nang dayaan ay ang GMA…? tsk tsk tsk…. kaya hindi magawang sabihan nang masasama nang GMA ang AGB eh… TAKOt sila na lumabas ang BAHO nila..?

    saka lagi nilang sinasabi, na hindi nila istilo ang lumaban nang madami…? sino ba ang nasa likod nang mga black propaganda laban sa ABS at sa mga TALENTS nito..? hmmm..? gaya na lang dati noong kay KRIS AQUINO, yung kinasuha sila, dahil sa mga pagpapakalat nila sa E-mail, nang mga ma panirang pahayag kay KRIS…? Buti nga pinatawad kayo ni KRIS , matapos mag PUBLIC apology nang GMA!!!!!

    Dito pa lamang alam na kung panu maglaro ang GMA, madaya at MARUMI…. kiitang kita naman sa mga kinikita nang mga produced films nang abs na laging BOX OFFICE at laging more than 100 million, minsan nga naabot pa nang 200 to 300 million…. eh ang mga producved films ba nang GMA..? may nakaabot na ba nang 100 million..? ang masama pa nito, yung highest, produced film nang GMA na OUIJA, kaya lang naka 60 million ay gawa nang kapamilya star na si JUDY ANN santos..? tsk tsk tsk… tapos ngaun nagbabalak p silang magproduce ulit gamit na naman ang isa pang kapamilya star na si SHARON CUNETA..? tsk tsk tsk

  7. jm said:

    “ABS-CBN’s trial by publicity” just want to comment on this, ganito naman talaga sa pinas eh. lahat na e-exag ng media tapos ang gma nag rereklamo? Well for one, dapat hindi na nila i-sensualize yun mga events sa pinas. Like si Lozada panay salita lang. Kung totoo man sinasabi nya, dalhin na lang sa court. Kaya medyo nakakagulat ang isang broadcasting company nagrereklamo sa kapwa broadcasting company dahil na-se-sensualize ang issue. tumigil nga ang GMA panay reklamo ganun din naman ang gawain nila. And kung hindi totoo bakit nila pinapatigil ang pag air ng mga ganung reports? masyadong guilty naman! kung si PGMA sinasabi ng mga tao na guilty dahil pilit na pinapatigil yun kay jun lozada, eh d ano kaya ang gma “the network”? pilit pinapatigil din ang pag lalabas ng mga issues dba?


Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.