GMA 7 Nangunguna Na sa Luzon!
November 2, 2007
Digg
Del.icio.us
Reddit
NANGUNGUNA na ang GMA Network pagdating sa TV ratings at audience share sa buong urban Luzon ayon sa data mula sa AGB Nielsen Media Research noong Setyembre hanggang unang dalawang Linggo ng Oktubre.
Nasa Total Urban Luzon ang 76.2% ng kabuuang urban TV household population sa bansa, ayon sa AGB Nielsen.

Nagkamit ang Kapuso Network noong Setyembre ng 42.4% TV Household Audience Share samantalang ang kalabang istasyon ay nagtala naman ng 40.3%. Noong mid-October, umakyat pa ang audience share ng GMA sa 44.6% habang ang kalaban nito ay bumaba sa 39.4%.
Mula ika-1 hanggang ika-13 ng Oktubre, nanguna ang Marimar sa listahan ng top 30 programs sa buong urban Luzon. Nagtala ito ng 33.5% household ratings.
Pito sa mga nangungunang 10 programa sa nasabing period ay gawa ng Kapuso rin. Kabilang sa mga nangunguna sa listahan ang Mga Mata ni Angelita, Kap’s Amazing Stories, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Bitoy’s Funniest Videos, Tok! Tok! Tok! Isang Milyon Pasok, at 24 Oras.
Tunay ngang mas pinipili ngayon ng maraming taga-Luzon ang programs ng Siyete kaya napapabilang ang mga ito sa listahan ng mga nangungunang palabas. Habang umuusad sa ratings ang GMA, patuloy rin ang paglago ng kumpanya. Nakapagtala ito ng higit na malaking net income kumpara sa kalaban nitong nakaraang 3rd quarter. Patuloy rin ang pagpapalakas ng signal ng GMA at pagtatayo ng mga istruktura sa probinsya para sa mga manonood nito lalo na sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Samantala, patuloy pa ang pagiging lider ng GMA sa Mega Manila. Umakyat ang ratings nito mula 44% noong 3rd Quarter ng 2007 hanggang 47.7% noong mid-October. Ang ABS naman, bumagsak mula 35.3% hanggang 33.4% sa nasabing period. Sa Mega Manila pa rin, 22 sa 30 nangungunang programa ay gawa ng Kapuso. Ang Marimar, Mga Mata ni Angelita, at Zaido: Pulis Pangkalawakan ang nakakuha ng tatlong pinakamatataas na puwesto.
Sinasalamin ng mga resulta na GMA ang nagtatalaga ng pamatayan para sa programang pangtelebisyon, at wala itong kinikilalang hangganan kaya’t parami pa nang parami ang nagiging Kapuso.
Posted in


November 8th, 2007 at 1:10 am
well..although nangunguna ung gma, i still choose to watch abs cbn.. obviously naman kc na nandun lahat ng big stars unlike with gma where in mukhang nauubusan na kasi usually lumilipat na sa abs cbn as what angel did kc alam nila na dun kikita ung career nila… unfortunately, kung minsan ung gma kaht patok sila sa luzon, nanadun pa rin ung paninira sa kabilang station.. y feel insecure kung mataas naman ang rating?…
November 10th, 2007 at 2:40 am
Nge..dehins ako maniwala dyan. syempre ang sinusurvey nila eh yong talagang GMA din lang..hahaha old tricks! tinggan at pakinggan ang masa kung sino ang nangunguna..wag gawa gawa ng ratings! Loser! Kasi nga ang tagal na nila d cla maka score..nauna pa cla sa ABS di ba? para ng institusyon kagaya ni Kuya Germs..mangaral ba naman ang tanda..eh kc ur no use na, .. d ka pina pirate ng ABS!
January 3rd, 2008 at 6:19 pm
Kaya lumipat si Angel kasi ung dati niyang NETWORK is a sindikato na mahilig mag fake
January 4th, 2008 at 1:00 am
yuck kapuso madaya?! watda
January 6th, 2008 at 3:54 am
kung ayaw nyo maniwala na nanguguna cla…… gumawa kayo ng sarili nyong ratings!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!