Angel Locsin, Happy sa ABS-CBN

Date October 23, 2007

Digg Del.icio.us Reddit


Hindi maikakailang napakalaking hamon talaga ng paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN. Pagkatapos ng napakaraming kontrobersyang hinarap niya dahil sa desisyong ito, agad namang sumabak na sa pagtatrabaho ang aktres!

Ngayon  abala na si Angel sa kanyang sunud-sunod na proyekto sa Kapamilya Network!

Mapupuri at ibang-iba ang kanyang naging pag-atake sa kanyang papel sa MMK kasama si Sam Milby na nagsilbing unang acting appearance sa tele-bisyon.

Bago pa nito, kaliwa’t kanan ang kanyang mga guestings sa various Kapamilya shows, tulad ng ASAP at Wowowee, Goin Bulilit, Deal or No Deal, John en Shirley, at iba pa!

Kasalukuyang nasa kasagsagan din ng taping ang aktres with Piolo Pascual para sa  soap operang Lobo.

“Ang daming bagong surprises  ang ibibigay  namin ni Piolo para  sa lahat, “wika pa niya.

From the looks of things, talagang todo-enjoy ang dalaga dahil isa itong bagong kabanata sa buhay niya na kahit siya mismo ay nag-aabang!

“Alam niyo po, ibang klase talaga ang experience ko so far dito sa ABS-CBN. Magaganda po ang material na ibinibigay nila sa amin, magagaling po ang mga  direktor ko at may mairereklamo po ba ako, nakasama ko po si Sam Milby sa MMK, at si Piolo naman sa bago naming teleserye.

“Malaki po ang pasasalamat ko sa ABS-CBN dahil pinagkakatiwalaan nila ako ng ganito.”

Pagkatapos ng kanyang dalawang major projects ay may mga nakapila pang mga proyekto para kay Angel, kabilang na rito ang isang pelikula kasama muli si Piolo Pascual!

“Again, nagpapasalamat ako… sa ABS-CBN, nakakita ako ng bagong tahanan.”

7 Responses to “Angel Locsin, Happy sa ABS-CBN”

  1. whatever said:

    a ok.good luck

  2. angel said:

    ,,,,,,,ahhhh gnun b sna nga msaya kahhhh,,ibang klase ka,,,

  3. ian said:

    plastic k angel bkit ndi k b sumaya sa gma n pinangalingan moh!!!ipokrita k kamo!!sana lang maging succes k jan!!!mikha kng pera at wala kng utang n loob!!!ala k sana ngaun kundi ang gma kaia wag kang magsalita ng ganyan!!!!!!!!dati kitang idolo pero ngalit aq dahil isa kang traydor!!!!puta k angel kasama ang manger mong mukhang pera n katulad moh!!!

  4. marla said:

    buti lumipat ka sa abs, pang jologs lang ang kapuso yuck! mas ok ka sa kapamilya! go angel! mas nagustuhan kita nung lumipat ka! congrats! nice decision!

  5. lanie said:

    to miss angel locsin hindi lahat sa mundong ito ay pera at marami pa naman sa mundong ito na mga totoong tao, AKALA KO ISA KA DOON.. nagkamali pala ako ng akala…

  6. kutos said:

    woohh.. di nyo lang matanggap! hahah..

  7. marvin said:

    ikaw ang no.1 wlang tatalo sa kagandahan moh!!


Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.