May Kredibilidad Ba si Lolit sa Kontrobersyang Sam Milby at Piolo Pascual?

Date October 17, 2007

Digg Del.icio.us Reddit


Naglabas na ng statement ang Timex  people para i-deny ang aking kuwento na nakita ko sa pool­side coffee shop ng Sofitel noong Biyernes sina Piolo Pascual at Sam Milby.

Sinabi ng Timex product manager na si Gemma Pagsibingan na marami silang makapagpapa­tu­nay na nasa studio ni Raymond Isaac si  Piolo ng oras na makita ko ito sa Sofitel.

Very un-corporate ang statement ni Gemma dahil ang mga litrato raw nina Angel Locsin at Piolo ang sweet. Imbes na magbigay ng straight-to-the point na statement, nagpa-cute pa siya.

Ano ang masasabi ko? Hindi ko babaguhin ang aking kuwento. Sa mga nagdududa, bakit hindi ninyo tanungin si Gorgy Rula na tinawagan ko kaagad  sa kanyang cellphone, ilang minuto pagka­ta­pos kong makita sina Sam at Piolo.

Ikinuwento rin kaagad ni Gorgy kina Jerry Olea at Jinkee Ilusorio ang ibinalita ko sa kanya.

Bayolente ang reaksyon ng ibang tao. Sinisiraan ko raw sina Sam at Piolo. Ano naman ang mapa­pala ko kung sisiraan ko sila? Nagkadatung ba ako? Sino ba ang umaani ngayon ng libreng pub­licity at pinag-uusapan nang husto?

Nagtataka lang ako kung bakit aligaga sa pagpa­pa­liwanag ang mga kampo nina Sam at Piolo, eh wala naman masama sa isinulat ko na nakita ko sila na sweet na nag-uusap sa poolside coffee shop at nagkaroon lang ako ng malisya nang bigla silang umalis nang malaman nila na naroroon din ako. Ano ang masama doon?

Sa totoo lang, ako pa ang  nagagamit sa isyung ito dahil  hindi naman ako ang nakikinabang sa mga publicity.

Sumali na rin sa eksena ang Timex people na nagkaroon bigla ng publicity, at my expense. Nagbigay pa sila ng mga eksaktong oras ng pama­malagi ni Piolo sa studio ni Raymond kaya nagma­lisya uli ako na baka gamitin ang isyu para mapag-usapan ang relo na ini-endorse ni Piolo.

Teka, dahil nagagamit ako sa publicity ng Timex, dapat nila akong bigyan ng relo na merong date para sa susunod na makita ko uli si Piolo, lalo akong magiging sigurado sa oras at araw.

 SOURCE: Lolit Solis on philstar.com


Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.