Ethel Booba, Pasok sa Pinoy Big Brother
October 17, 2007
Digg
Del.icio.us
Reddit
MAY follow-up kami sa nasulat noong Monday na pagba-back-out ni Ethel Booba sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. Ang latest, nagbago ang isip nito at payag nang maging housemate at pumasok sa Bahay ni Kuya.
Kung di uli magbabago ang isip, ngayong Wednesday na papasok si Ethel sa Bahay ni Kuya.

Noong Monday lang nagbago ang isip ni Ethel after two days na pahinga at pag-iisip sa mangyayari sa kanya kung tuluy-tuloy na ang pagba-back-out niya sa PBBCE2.
Natakot din yata ito na baka hindi na siya makapag-guest sa mga show ng ABS-CBN.
Ang hindi pagpayag ng boyfriend na si Janvier Daily at problema sa kapatid nasi Bobita ang dalawa sa rason sa pagba-back-out ni Ethel.
Gusto muna nitong makausap ang kapatid, na nasulat na pinaniniwalaan niyang may relasyon sa ex niyang si Alex Crisano.
Sa pagbabago ng isip ni Ethel na sumali sa PBBCE 2, hindi nasayang ang pagod niya at paghahanda ng staff ng show para ma-hype ang pagiging housemate niya.
Posted in

