Kim, Pinagtanggol si Gerald sa Pang-okray ni Snooky
October 11, 2007
Digg
Del.icio.us
Reddit
Walang keber si Kim Chiu sa kanyang mga sinasabi bastat maipagtanggol lamang niya si Gerald Anderson.
Sa presscon ng Love Spell: Cindy-rella episode (na ipapalabas na sa Oct. 14), sinagot ni Kim ang umanoy pang-ookray ni Snooky Serna kay Gerald Anderson.

Tinanong si Kim kung ano ang reaksyon niya tungkol sa sinabi ni Snooky na pinaka-plastik daw si Gerald bukod pa sa ito ay isang ham actor?
Siyempre, nawindang si Kim, noh! Nagulat daw siya dahil ang amo naman ng mukha ni Snooky tapos may maririnig siya na sinabi umano ng aktres na ganito at ganyan.
“Paano naman po nila masasabing hindi marunong umarte si Gerald eh, binibigyan po siya ng maraming projects? Saka paano nila masasabing plastic si Gerald eh, hindi naman nila kilala ‘yung tao?” depensa pa ni Kim sa ka-loveteam.
Dagdag pa ni Kim, baka raw nai-insecure lang ang ibang tao kay Gerald dahil maraming trabahong ginagawa ang binata. Kaya hayun, kung anu-ano raw ang intrigang ibinabato sa ka-loveteam niya.
Biglang sabay-sabay na nagtanong, so, na-insecure nga kaya si Snooky kay Gerald?
“Ayy, hindi ko po alam!” agad napatili na lang si Kim at tumawa na hindi na alam kung ano ang sasabihin.
May nagtanong kay Kim kung kilala ba niya si Snooky dahil baka hindi niya knows kung sino ang kanyang pinatutungkulan ng mga salita.
Aniya, kilala niya ang kontrobersyal na aktres. Maputi at maamo raw ang mukha nito kaya nagulat daw si Kim at nakakapag-salita ng ganoon si Snooky. ‘Yun na!
Nu’ng bandang huli ay nag-sorry naman si Kim, hindi raw niya intensyon na makasakit ng kapwa. Ang gusto lang niyang tumbukin ay hindi totoong plastic si Gerald.
Grabe, ang gwapo-gwapo ni Gerald sa pagtatanggol ni Kim, huh!
Anyway, Linggo ng hapon before The Buzz mapapanood ang Love Spell na idinirehe ng magaling na si Ruel S. Bayani.
Hindi po Linggo ng umaga. We stand corrected.
Posted in

