Pops, Di Pa Rin Mapatawad si Martin!

Date October 9, 2007

Digg Del.icio.us Reddit


Dehadista si Pops Fernandez ngayon pag­katapos mapanood ng sambayanan ang inter­byu ni Martin Nie­vera mula sa San Die­go, California na ipina­labas sa The Buzz nung Linggo nang hapon sa pamamagitan ni Jing Reyes. Masakit na masakit ang loob ng Concert King sa mga sinabi ni Pops sa inter­view nito sa Yes! Mag­azine.

Sabi ni Martin sa kanyang pa­nayam, “It’s the first time in my life I’ve ever felt naked, on stage, on TV, infront of the camera. I’m going to go out tonight in San Diego, I don’t know how to ap­pear, I feel ugly like how I felt nine years ago.

“It’s like I’m a winner in disguise, but inside, I’m a loser. That’s how this article made me feel,” sabi ni Martin.

Mara­ming nag­ta­ta­nong, si­yam na taon na ang na­ka­ka­raan mu­la nang mag­hi­wa­lay ang mag-asa­wa, pero bakit daw ba hang­gang ngayon ay ayaw pa ring tantanan ni Pops sina Martin at Katrina Oje­da?

“Napakatigas naman ng puso niya, ilampung beses na naming narinig na nag-sorry sa kanya si Martin dahil sa nangyari sa kanila, tinanggap na nung tao ang pagkaka­mali niya, pero bakit ba ang tigas-tigas ng puso ni Pops?

“Sana, perfect siya, sana, si Martin lang talaga ang may kasala­nan ng lahat-lahat, kaya sila nagkahi­wa­lay. Na­ka­kailang kare­lasyon na ba si Pops mula nung maghiwalay sila ni Mar­tin hanggang nga­yon?

“Pero pinakikiala­man ba siya ni Martin, nanghihimasok ba yung tao sa personal niyang buhay? Sige, niloko na siya nina Martin at Katri­na pero naman!

“Nine years ago na yun, ang dami-dami nang nangyari sa buhay nila, pero bakit hang­gang ngayon, e inu­ungkat pa rin ni Pops ang mga kasalanang nagawa sa kanya ni Martin?

“Para siyang si Snooky, after twenty years, e, saka sumigaw na ni-rape daw siya nung fourteen years old pa lang daw siya! Mag­sama silang dalawa!” inis na pahayag ng mga nakausap namin pag­katapos ng The Buzz.

Sana nga ay matag­puan ni Pops ang kata­himikan ng kalooban, sana rin ay matagpuan na ng singer ang ta­mang paraan para ma­limot na nito ang nang­yari sa kanila ni Martin, napakaigsi ng buhay para ilaan pa nito sa mga negatibong pang­ya­yari ang kanyang isip.

SOURCE: Tita Cristy Fermin, published at philstar.com


Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.