Sino ang Magrereyna: Juday, KC o Angel?
October 4, 2007
Digg
Del.icio.us
Reddit
MAY kumakalat na tsismis sa ABS-CBN na natatakot daw ang young superstar na si Judy Ann Santos sa pagpasok nina Angel Locsin at KC Concepcion sa bakuran ng Kapamilya.
Ngayon pa nga lang daw ay gumagawa na ng hakbang ang ma-nager ni Juday na si Alfie Lorenzo upang maiwasan ang napipintong pagkawala sa bakuran ng Dos ng alaga.

Natatakot daw kasi sina Juday at Alfie na baka pagkatapos ng soap na Ysabella ay tuluyan nang mawalan ng show sa Kapamilya si Judy Ann. Pero, ang fear na ito ng mag-amo ay tila hindi naman magkakatotoo dahil early next year daw ay magsisimula na ang bagong TV show nila ni Ryan Agoncillo sa Dos.
Sa tagal na raw sa Dos ni Ju-day ay marami na raw nangyaring ganung sitwasyon, but still nan-diyan pa rin siya sa Kapamilya at marami pa ring proyekto dahil na rin sa manager niyang si Alfie Lo-renzo. Kung wala siguro si Alfie sa tabi ni Juday, baka natabunan na rin siya ng mga baguhang ak-tres sa Dos. Look what happened to Claudine Barretto dahil walang Alfie na nangangalaga sa career, nasaan na nga ba siya?
Hindi naman siguro puwedeng gawing dahilan na nag-asawa na siya dahil napakagaling at very bankable na aktres ni Claudine.
Speaking of Judy Ann, dahil nga nasa piling niya si Alfie, wala siyang nararamdamang insecurities sa pagpasok nina Angel at KC sa Kapamilya. Pero, ano nga ba ang masasabi ni Juday sa pagpasok nina Angel at KC sa Dos?
”Masaya dahil, at least, lumalaki ang Kapamilya. And besides, ang makasama sa isang network sina Angel at KC ay malaking karangalan sa akin,” wika ni Juday nang makausap namin.
Posted in


October 7th, 2007 at 9:03 am
OK lang, Judy Ann Santos has celebrated its 2oth years in the showbusiness. Siguro its ok lang na meron pumasok pang ibang artista sa channel 2. They have different followers and fans. Judy Ann is not getting any younger syempre ang ibang fans naghahanap ng bago. I’m a fan of Judy Ann Santos and lahat ng movies niya ay napanood ko and I like her. Ang pagiging masa ang dating and I admired her dahil sa lahat ng na link sa kanya ay walang masyadong naging issue and I admire the relationship of Judy Ann and Ryan Agoncillo. Sana kayo ang magset ng good example sa mga artista na naging maayos ang samahan bilang magreal sweethearts in showbusiness. Alway put GOD in the center of your relationship and GOOD LUCK!!!!
October 20th, 2007 at 10:14 pm
masyado ng malaki ang ulo ni juday. pati mother station nya, inaaway ng manager niya. kesyo hindi puwedeng umangat ang career ng iba out of her show, kaya pinisibak si angelica panganiban at kelangang tumanaw ng utang na loob ni derek ramsey at ni piolo pascual. crab mentality yan. if juday is a good christian, she would have understood na things happen for a reason & if success comes in the way of other people working with her, she should be happy for them too. that is christ’s way. when i was a supervisor, i trained my staff well because i wanted them to prosper. as they look back, they always remember me–maybe not always, but at least they don’t forget. even if they forget, at least me tinanim na ko sa langit.
November 15th, 2007 at 8:22 am
Bakit nasa ABS b c Judy Ann? Akala ko dun n cla ng manager nya s favorite station nila n gma… Dapat nga lumipat n cla dun para d n magpapakain ang ABS ng ahas!!! binabayaran mo pero sinisiraan k.. Di naman magaling c judyann, ni di mo maikumpara s ganda nila ANGEL and KC!!!
February 17th, 2008 at 12:36 pm
Judy Ann u rock