Gimik Lang Ba ni Rufa Mae: Handang Balikan si Erik?
October 4, 2007
Digg
Del.icio.us
Reddit
Mahal pa raw ni Rufa Mae Quinto ang boyfriend niyang si Erik Santos kaya wala pa sa isip niya magkaroon ng bagong manliligaw kahit nali-link siya kay Billy Crawford.
Ito ang winika ng sexy comedienne nang makausap namin sa presscon ng Whammy Push Your Luck na ginanap noong Martes ng tanghali.

Hindi naman itinanggi ni Rufa Mae na lumabas sila ni Billy, pero group date iyon at marami silang magkakasama.
“Date na ba iyon? Hindi naman ganoon kadali iyon. Para sa akin kasi, kailangan ko muna maging kaibigan ang isang guy bago ko siya maka-date. Iyon ang paniwala ko. Bago tayo dumating sa mga date-date, dapat friends muna tayo. Dapat makilala ko muna ang tao,” sabi pa ni Rufa Mae.
“He’s a good friend. We’re close. Kaibigan ko siya. Closeness, yun lang ang mayroon sa amin,” sabi pa ni Rufa Mae.
Dapat daw si Billy ang tanungin namin kung nanliligaw ang international singing idol sa kanya. Isang drawback para kay Rufa is the fact na hindi naman based sa Pilipinas si Billy. Alam naman daw natin ang nangyari sa kanya at sa ex-bf niyang si Rudy Hatfield. Kahit na six years silang naging mag-on, walang nangyari sa kanilang relasyon.
Going back to Erik, hindi isinasara ni Rufa Mae ang posibilidad nang pagbabalikan nila nila ng singer. Mas maganda raw kasi ang samahan nila ngayon. Tiyak daw manonood siya ng concert ni Erik.
Sinabi rin ni Rufa Mae na panonoorin din niya ang concert ni Billy na gagana-pin sa Araneta Coliseum on October 6.
Posted in

