Paano Nabugbog ang Boobs ni Iwa Moto sa Taping?
September 30, 2007
Digg
Del.icio.us
Reddit
HINDI sinasadyang nasaktan sa taping ng Nuts Entertainment sa Filmex studio nung Huwebes ng gabi sina Iwa Moto at Ehra Madrigal.
Nag-participate ang dalawa sa isang game ng show at hindi naiwasang bumagsak si Iwa sa pool at natamaan pa ng kuwadradong kahoy ang kanyang kanang dibdib. Napaiyak si Iwa sa sakit dahil nagkapasa ang kanyang boobs.

Nagpahinga si Iwa sa set at pumunta sa dressing room para mag-relax. Hindi naman grabe ang nangyaring aksidente para kay Iwa dahil tinapos pa rin niya ang taping ng show.
Samantala, si Ehra naman ay nagkaroon ng gasgas sa kanyang right thigh. Pero sa halip na umiyak, tinawanan na lang niya ito kaya lalong bumilib sa kanya ang mga host ng programa.
Posted in

