Heart Evangelista: Hanggang Kontrabida Nalang Ba?!?!

Date September 27, 2007

Digg Del.icio.us Reddit


In-assure ni Heart Evangelista ang fans ni Sarah Geronimo na hin­di matatapakan ang singer-actress sa pag­pasok niya sa Panga­rap na Bituin. Gagawin lang niya ang role niya as Cassie Salcedo, ex-girl­friend ni Terrence Rod­riguez (Jericho Ro­sales) at guest role lang ito, kaya ang mga bida pa rin ang magka­katu­luyan in the end.

“The Next Big Thing” ang tawag ni Heart kay Sarah at alam niyang marami itong fans at ayaw nilang magalit ang mga ito sa kan­ya. Ma­gan­da at nakakaiyak daw ang role ni Cas­sie, kaya ti­nang­gap niya at ad­vantage sa ka­nila ni Echo na magkasama sa trabaho.

Ilang linggo pa ang Pasko, pero masaya nang in-an­nounce ni Heart na White Christ­mas ang mang­ya­yari dahil after three years, bati na sila ng kan­yang ama. Nili­naw nitong hin­di ang relas­yon nila ni Echo ang ra­son, kundi ang pag­papa-inter­view niyang su­per strict ang ama.

“Napagbin­tangan lang si Echo, pero wala siyang ka­salanan. Very hap­py nga si Echo na bati na kami ng dad ko at nag-iisip na siya kung paano kami lalapit na dalawa sa kanya.”

Ibinalita rin ni Heart na in-offer siyang isama sa soap nina Angel Loc­sin at Piolo Pas­cual, pero hindi niya ti­nang­gap dahil feeling niya, kontrabida siya sa istorya at baka sumabay sa taping ng Bating­ting, ang bago niyang soap sa ABS-CBN. May ga­gawin din siyang mov­ies sa Star Cinema with Aiai delas Alas at sa Regal.

One Response to “Heart Evangelista: Hanggang Kontrabida Nalang Ba?!?!”

  1. trisha said:

    your-Will love prevail despite sickness? heart and john land dapat!!!!!! plzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz


Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.