Ara Mina sa Laban ni Pacquiao

Date September 27, 2007

Digg Del.icio.us Reddit


HINDI na  si Ara Mina ang kakanta ng Philippine national anthem sa laban ni Pacquiao sa Amerika.

Maging ang unang pa-ngalang nag-surface — si Jonalyn Viray, ay natsugi sa pilian. Nagkaroon na ng formal announcement ang Solar Sports at GMA-7 na si Kyla ang kakanta ng Lupang Hinirang.

Ka-text namin si Ara  at siya mismo ang nagsabi sa amin na abangan namin sa balita kung  sino ang ia-announce na kakanta ng Lupang Hinirang sa laban ni Pacquiao. Halata namin sa text ni Ara na alam na niyang laglag ang beauty niya sa pilian but she calmly said na okey lang siya at hindi masama ang kanyang loob.

Kunsabagay, okey na rin ang nangyari. At least ngayon, eh, mababawasan na rin kahit papaano ang intriga sa kanila ni Pacquiao. Mababawasand in ang mga nanlalait sa kanya na wala siyang K kumanta ng ating national anthem.

“Hindi pa man ako napipili, eh, kung anu-ano na ang mga naririnig at nababasa ko kaya okey na rin ang nangyari. Okey lang na si Kyla ang napili,” pahayag ni Ara sa amin.

Teka, hindi kaya nakaapekto sa pilian  ng kung sino ang kakanta ng national anthem ang nangyaring kapalpakan noon kay Christian Bautista nang awitin niya ang  Lupang Hinirang sa isang local event?

Well, it could be, di ba?

Anyway, may isang version pa na lumalabas ngayon kung bakit  hindi si Ara ang napili. Totoo kayang tutol talaga si Jinky (asawa ni Pacquiao) na si Ara ang kumanta dahil sa tindi ng selos?

Ilang source ang nagkuwento sa amin na sobra raw ang pagiging seloso  nitong si Jinky at kahit lalaki na napalapit kay Manny ay pinagseselosan niya.

Tama ba naman ‘yon?

Kunsabagay, she’s the wife and she can do anything she wants, huh!

Samantala, may mensahe naman si Ara sa asawa ni Manny.

“Sana’y huwag siyang maniwala sa mga naririnig at nababasa niya dahil wala siyang dapat ipag-alala.

“Kung makikilala niya ako nang personal, malalaman niya kung sino talaga ako. Puwede rin kaming maging mag-best friend,” wika pa niya.


Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.