Angelica Jinx sa Ysabella?

Date September 27, 2007

Digg Del.icio.us Reddit


Gaano ka­totoo na nag-last taping day na si An­ge­lica Panga­niban sa Ysabella bi­lang pa­nan­da­liang ka-fling ni Derek Ram­­sey da­hil na­ngu­ngu­lila siya kay Judy Ann San­­tos?

Kuwento mismo sa amin ng taga-Dos na tsugi na si An­gelica sa nasabing soap drama nina Juday at Ryan Agoncillo dahil mara­ming taga-TFC sub­scriber ang tumawag sa ABS-CBN para irekla­mo ang pagpasok ng real sweetheart ni Derek sa tunay na buhay, *Na­kakasira raw sa love­team nina Ysay at Mito.*

“Syempre kaila­ngang tanggalin si An­gelica, e, paano kung pu­tulin ng mga kaba­bayan natin ang pagsu-subscribe nila sa TFC, e, di malaking kawalan ‘yun!  Kaya kailangan nilang tsugihin na si Angelica,” buong kwen­to sa amin.

In defense na­man kay An­ge­lica ng ta­ga-Ysa­bella ay, “Ay hindi po si­ya ta­laga tsinugi, tala­gang hang­gang 6-8 weeks lang si An­ge­lica sa istorya, inila­gay po siya talaga for De­rek since nawa­wala nga siya sa kwento kasi kina Ryan at Juday naka-focus ang kwento for the past weeks.”

Anyway, hindi kami sure kung itutuloy pa ng Star Cinema ang peli­kulang pagsasamahan sana nina Derek at Judy Ann dahil nga sobrang lakas ng followings nila, e, biglang humina raw nung ipasok si Angelica, nabantilawan daw ang loveteam nina Mito at Ysay.

E, di isama si Ange­lica sa movie bilang ka-love triangle nina Derek at Budaday, problema ba ‘yun!  —

One Response to “Angelica Jinx sa Ysabella?”

  1. baby said:

    siguro di lang bagay ang naging role ni angelica sa soap kasi halatang siningit lang. Me too, hindi masyadong nagandahan ng pumasok sa eksena si Angelica. Parang naging mabagal ang kwento at saka parang pilit dahil ba sa girlfriend ni Derek si Angelica kaya siya siningit. Please bigyan na lang soap si angelica na babagay sa kanya. She is beautiful….


Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.