May Dapat Bang Ika-Threatened si Angel kay KC?

Date September 19, 2007

Digg Del.icio.us Reddit


NAALARMA ang kampo ni Angel Locsin nang masulat sa iba’t ibang tabloids ang mga kuwento na kesyo nasapawan daw ni KC Concepcion si Angel sa pagpasok ni KC sa ABS-CBN 2.

Sabi nga ng ibang kolumnista, talbog si Angel kay KC. Maituturing na prinsesa raw talaga si KC kung ikukumpara kay Angel.

Anyway, hindi yon naibigan ng manager ni Angel. Hindi raw tama na ikinukumpara si Angel kay KC.

Ang ginawa rin ng manager ni Angel, nagpadala raw ito ng sulat sa mga kolumnista.

Sa kuwento ng beterano at respetadong manunulat sa showbiz na si Mario Bautista, agad daw nag-react ang manager ni Angel sa sinulat niya.

Nagpadala raw ang manager ni Angel ng sulat sa editor niyang si Eugene Asis (People’s Journal), para makiusap na huwag intrigahin o gawan ng isyu sina Angel at KC.

Unang-una, hindi naman daw magkaaway sina Angel at KC. At ayaw raw nila na pagsimulan ng intriga ang pagkukumpara kay KC kay Angel.

Sabi pa ng manager ni Angel, masyado na raw maraming isyu ang hinarap ni Angel at ayaw na raw nilang magsimula pa sa panibago na namang isyu. Mas gusto raw nila na maging maaliwalas ang pagsisimula nila sa ABS-CBN.

Sabi pa raw ng manager ni Angel, hindi puwedeng intrigahin sina KC at Angel, dahil parehong maganda, talented at parehong dedicated sa kanilang propesyon ang dalawa.

Anyway, karapatan ng manager ni Angel na ipagtanggol siya. Pero sa tingin ko, mukhang hindi ‘yon makatutulong para pumabor sa kanya ang ilang mga entertainment press.

Sabi nga ng isang manunulat na type si KC, mas lalo raw siyang magsusulat ng marami pang kuwento tungkol kay KC, para ipaunawa sa lahat na na si KC ang karapat-dapat na maging prinsesa ng Dos.

Kaya kung ako sa manager ni Angel, hayaan na lang niya ang mga kolumnista sa showbiz na magbigay ng kanilang opinion. Hindi sila dapat maapektuhan sa mga nasusulat sa kanila, lalo na at opinion `yon ng mga taong sumulat.

6 Responses to “May Dapat Bang Ika-Threatened si Angel kay KC?”

  1. nelmark olivar said:

    sana wag n pakihin ang issue.pareho naman cla maganda eh

  2. nelmark olivar said:

    dapat hnd ntin icompare si angel at kc dahil my iba sitlg telent

  3. Wahoo said:

    Thank you for sharing!

  4. JEWEL said:

    There is no comparison between KC and Angel. Magkaiba sila ng crowd and medyo classy si KC although down to earth naman siya. I’ll say she was raised very well and descent by Ms Sharon…

  5. beth said:

    love ko c si kc dahil anak siya ng aking idolo na si sharon pero love ko na rin si angel dahil kapamilya na siya

  6. julz said:

    alang binatbat c angel qng iku2mpara xha kai kc!!!un lang!!!!d nga marunong magenglish c angel!!ala nman maxiadong talent c ange noh!!!!


Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.