AiAi, Superhero sa Susunod na Fantaserye
September 18, 2007
Digg
Del.icio.us
Reddit
Mauuna palang gawin ni Aiai delas Alas ang fantaseryeng Volta na ididirek ni Wenn Deramas kaysa sa soap drama nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa Japan dahil mas mauuna naman daw itong ipalabas.

Matatandaang pelikula dati ang Volta at isang super heroine rito si Aiai kaya excited siya dahil after ni Vhong Navarro sa Lastikman ay siya naman ang susunod na mapapanood sa TV.
Pero bago umpisahan ni Aiai ang TV projects niya ay inuna niyang tapusin ang cafeteria at internet business niyang matatagpuan sa Maria Clara, cor Langit Streets, Sampaloc, Manila na pinangalanan niyang AISARAP.
Two storey building ang inupahan ng komedyana, kainan sa baba at internet café sa itaas na ginastusan niya ng P1M dahil pawang bagong modelo ang mga gagamiting personal computers.
“Ang mahal ng upa rito, kasi university belt, parang townhouse sa isang exclusive subdivision, plus advance pa. Mga gamit pa at lisensya,” esplika pa ni Aiai.
Posted in


September 28th, 2007 at 11:16 pm
ah kaya pala hindi na sya magiging si byutiki ng lastikman