Nene Tamayo, Isang Magdalo?!?!
September 16, 2007
Digg
Del.icio.us
Reddit
NAKAUSAP namin si Nene Ta-mayo sa presscon ng Housemates Season 1 - Tuloy Ang Buhay Sa Mas Pinalaking Bahay, na ga-ganapin sa Araneta Coliseum this Saturday.
Kinuha na namin ang pagkakataon upang tanungin siya kung ano ang dahilan at tinanggal siya three months ago as segment host sa Citizen Patrol ng TV Patrol World.

“Kaya po ako natanggal doon ay dahil sa Magdalo group.
“Akala po kasi ng nasa government, isa ako sa mga nagre-recruit na maging rebeldeng sundalo ‘yung mga tao. Parang ang perception nila, ginagamit ko ‘yung Citizen Patrol para maka-recruit ako ng mas maraming tao na magrebelde against sa government,”sabi ni Nene.
Ang Magdalo ang grupo ng mga sundalo na nanguna sa nabigong coup attempt laban sa pamahalaan ni President Gloria Ma-capagal-Arroyo.
Sa pangunguna ng lider nila na si dating Navy lieutenant Antonio Trillanes, na ngayon ay senador na, inokupahan ng Magdalo ang Oakwood sa Makati City noong July 27, 2003.
Aminado ang dating sundalo na si Nene na kaibigan niya ang ilang miyembro ng Magdalo.
So, ang ibig bang sabihin nito ay pinagsuspetsahan pa lang siya, pero tinanggal na agad?
“Opo,” sagot ni Nene. “Tapos to the point nga po na merong mga sumusunod sa akin dati. Tapos to the point na pati si Mr. Lee, ‘yung may-ari ng St. Monique Valais, na tinitirhan ko sa Binangonan [Rizal], pinupuntahan nila para tanungin kung nasaan ako.”
Idinagdag pa ni Nene na nalaman daw ng News and Public Affairs ng ABS-CBN na suspect siya bilang kasabwat ng Magdalo dahil may tumawag na taga-Department of National Defense. Isa rin sa dahilan kung bakit nagdesisyon ang ABS-CBN News and Public Affairs na tanggalin na sa Citizen Patrol si Nene ay marami na raw viewers ang nagrereklamo at pinararatangan nila na member diumano ng Magdalo group si Nene.
“Kasi nga, nu’ng lumabas sa survey doon sa Pulse Asia, ang most popular segment sa TV Patrol is ‘Citizen Patrol.’
“So parang na-threaten siguro na ganoon, na parang mas makakahikayat ng mga tao para mag-rally against the government.
“Eh, wala naman akong planong ganoon. Ang gusto ko lang naman is makatulong, eh,” paliwanag pa ni Nene.
Paano sinabi sa kanya na tatanggalin na siya sa TV Patrol World?
“Ipinatawag nila ako ‘tapos kinausap nila ako. Sabi nila sa akin, baka raw may makuha pa silang ebidensiya na may dog tag ako.
“Kasi bawat member ng Magdalo, may dog tag. Sabi nila, baka ipinatago ko lang daw sa iba.
“Sabi ko, wala naman po akong maipapakita sa inyong dog tag. Wala naman po akong involvement sa kanila dahil kung meron, dapat ay hindi na ako nagpapakita at nagtatago na ako ngayon.’
“Parang, ano bang gagawin ko against the government? Wala!”
Mariing pagtatapos ni Nene.
Posted in


March 17th, 2008 at 10:37 pm
Bakit ganun ang ginawa nila kay Nene.Hinusgahan kaagad nila.may proof ba na kasama sya sa magdalo? wala dba……