Kris, Babawiin ang Game Ka Na Ba?!?!?

Date September 16, 2007

Digg Del.icio.us Reddit


NGAYONG matatapos na ang Kapamilya Deal Or no Deal ni Kris Aquino sa ABS-CBN sa October 12 (dahil papasok na ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 2), mawawalan na ng isang show si Tetay.

One season lang naman daw talaga ang contract ng KDOND with ABS-CBN, kaya tanggap ito kay Kris.

Pero may lumalabas na interviews si Edu Manzano na kung sakaling bawiin man sa kanya ni Kris —  o  ng management — ang iniwan nitong Pilipinas, Game KNB, eh, game na game itong isasauli ni Edu kay Kris.

Alam naman daw ni Doods na temporary lang ang pagho-host niyang ‘yun ng PGKNB habang on maternity leave si Kris, na na-bigyan naman ng KDOND nga.

Pero, sa later statements naman ni Kris, never niyang naging ugali ang balikan ang iniwan na niya, or bawiin ang naibigay na niya, or something to that effect.

For us — and malamang para sa nakakarami — ang pagharurot sa ratings ng Game KNB with Edu Manzano as host is such an achievement! Kaya hala, at pabayaan na kay Doods ang PGKNB, ‘no!

The high ratings of this ABS-CBN morning game show prove kung gaano kaepektibo bilang host (whatever genre) ang isang Edu Manzano.  Even higher, kundi kami nagkakamali, nu’ng si Kris pa ang host ng nasa-bing show.

Nagpaka-gentleman muli si Doods sa isyung ito, bagay na kilala siya sa buong showbiz, nang makapanayam siya ng press sa isang endorsement presscon niya last week. 

Kung hindi natuwa ang ABS-CBN sa performance ni Doods sa show, bakit pa siya bibigyan ng 1 Vs 100 tuwing Sabado, ‘di ba?

Minsan lang namin masilip si Doods sa Pilipinas, Game KNB, pero talaga po namang nakakaaliw ang pagdala ng show ng tatay ni Luis Manzano.

Ang guwapo pa rin ng mokong, huh!  ‘Pag humirit na ito ng sayaw at indak, eh malalaglag na ang panty ng mga gurlash na nagpapantasya pa rin sa kanya all these years. Ha-ha-ha!

By the way, Edu turns 52 ngayong Biyernes (September 14).  Parang nasa-late 30’s lang ang lolo mo sa lakas pa rin ng sex appealng potah.

Tama ba, Tita June Rufino? Ha-ha-ha!


Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.