Sharon-Goma Movie on the Works

Date September 11, 2007

Digg Del.icio.us Reddit


Madi-disappoint nito ang mga naghihintay sa nabalitang reunion movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla sa GMA Films, dahil may pag­babago sa plano. Hindi muna itutuloy ang gagawing pelikula ng dalawa’t sa halip, si Richard Gomez ang makaka­pareha ng megastar sa movie niya sa GMA Films.

Nabanggit na ito ni Richard nang ma­kausap namin siya sa taping ng Marimar  sa Punta de Uian sa San Ato­nio, Zambales. Wala pa itong alam kung anong klaseng project ang kanilang gagawin at kung ano ang title at ang ibi­nalita lang ay si Chito Roño ang magdidirek.

Ang  tsika sa amin, Hula  ang title ng movie at gagawin nila ‘pag natapos na nina Sharon at direk Chito ang Lon­don Caregiver ng Star Cinema. Ma­lungkot man ang fans nina Sharon at Robin sa pagka-udlot ng kanilang reunion movie, matutuwa naman ang supporters nina Sharon at Richard dahil after so many years, muli silang mapa­panood together.

SOURCE: Nitz Miralles, philstar.com

One Response to “Sharon-Goma Movie on the Works”

  1. aileen abelo said:

    hi… ako po ang may request
    bakit po ba hindi matutuloy ang movie nila megastar sharon cuneta at si robin padilla?

    at sa halip na si richard gomez ang partner ni mrs. sharon cuneta at si mr. robin padilla?


Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.