Osang, Di Pwedeng Magtrabaho sa ABS-CBN?!?!
September 11, 2007
Digg
Del.icio.us
Reddit
Ipinasusulong ng Court of Appeals sa Quezon City Regional Trial Court ang kasong sibil na isinampa ng GMA Network laban sa ABS-CBN at sa aktres na si Rosanna Roces (Jennifer Molina sa tunay na buhay).

Ito ay matapos na idismis ng CA 12th Division ang petition ng ABS-CBN na humihiling na mapawalangsaysay ang kasong breach of contract, contractual interference at damages na isinampa ng GMA Network.
Ipinaliwanag ng ABS-CBN na walang cause of action para kasuhan sila ng GMA nang kunin nila ang serbisyo ni Roces dahil maituturing nang terminated ang talent contract nito sa GMA-7 nang hayaan nito ang aktres na ianunsyo ang kanyang pagreretiro sa showbiz sa isang talk show mismo sa Channel 7 noong July 2004.
Gayunman, nakasaad sa 13-pahinang desisyun ng CA na ang kwestyon kung nananatili nga bang balido ang talent agreement ng GMA at ni Roces ay nangangailangan ng presentasyon ng mga ebidensya sa mababang korte at hindi masasagot sa pamamagitan ng opinyon lamang ng ABS-CBN.
Idiniin ng CA na ang basehan ng pagsasampa ng kaso ng GMA laban sa ABS-CBN ay dahil ilang araw matapos ianunsyo ni Osang ang kanyang pagreretiro umano sa showbiz, ay saka naman nagsimula ang ABS-CBN sa pag-eere ng program plug sa pag-guest ni Osang sa programang EK Channel at sa kalaunan ay ang pagkuha sa serbisyo ng aktres bilang co-host ng showbiz talk show na The Buzz sa kabila nang ilang beses na pagpapadala ng GMA ng liham sa ABS-CBN upang ipaalala na hindi pa paso ang talent agreement ng babae sa GMA.
Batay sa record ng korte, kinuha ng GMA si Osang bilang isa sa host ng programang Startalk mula Marso 2004 hanggang March 27, 2005.
Posted in


September 26th, 2007 at 9:16 pm
bakit inggit ba kau?kac malaki ang itataas na rating ng abs-cbn
saka pag binlock nyo email ko ba eh report kaagad yan nagcocomment lang eh