Camille Confirms Pregnancy

Date September 9, 2007

Digg Del.icio.us Reddit


Kumpirmadong nag­dadalantao si Ca­mille Prats, tatlo hanggang apat na buwan na ang kan­yang dinadala, ma­ra­­ming kababayan natin ang nakakita sa kanya nung Miyerkules nang gabi sa NAIA na lumi­pad na papuntang Ame­rika.

Totoong walang bas­bas ng kasal ang kala­gayan ngayon ni Ca­mille, lalong hindi natin ini­rerekomenda sa mga kabataan ngayon ang pag­­dadalantao nang hindi pa kasal, pero sa isang aspeto ay kaha­nga-hanga ang pagi­ging matapang ng ak­tres.

Itinuloy niya ang pag­dadalantao, hindi niya ipinaalis ang sang­gol sa kanyang sinapu­punan, may konsensiya si Camille at ang kan­yang pamilya.

Hindi naman tayo ipi­nanganak kahapon, noon pa tayo nakaka­ri­nig ng mga kwento tung­­kol sa mga artis­tang nagbubuntis, pero nahahaluan ng mi­lag­ro ang kanilang kala­gayan.

Malakas ang loob nilang mag-deny dahil walang hawak na ebi­densya ang mga nagsa­salita, anong pruweba nga ang makikita natin, kung pinasukan na ng abor­tion ang sitwasyon?

Sabihin nang sina­yang ni Camille ang kan­yang career, sabihin nang pagpipistahan siya ng buong bayan sa kan­yang inabot na kapala­ran, pero nanindigan pa rin siyang ituloy ang kan­yang pagdada­lan­tao.

Alam naming hindi ganun kasimpleng tang­gapin ang pangyayari, kilala namin ang pamil­yang Prats, mula sa ka­ni­lang lolo at lola hang­gang sa kanilang mga magulang ay matindi ang kanilang bonding.

Siguradong nagka­roon ng emosyonal na paghaharap-harap ang pamilya dahil sa nang­yari kay Camille, pero si­gurado rin kami na hindi nila maaaring pagda­mu­tan ng suporta ang aktres, lalo na ngayong kailangang-kailangan niya yun.

Mga kamag-anak nina Camille sa parte ni Dad­dy Dondie ang ba­litang tinitirhan niya hanggang sa siya’y makapanganak, ang kanyang pamilya na lang siguro ang dadalaw sa kanya dun sa dara­ting na Pasko, parang nakikinita na naming ngayon kung paano ini­iyakan ni Mommy Alma ang hindi napapana­hong pagda­dalantao ni Ca­mille.

* * *

Ang tanong ngayon ng bayan ay kung sino ang ama ng ipinag­da­da­lantao ni Camille Prats, merong mga pa­ngalang naba­bang­git, pero wala pang kati­yakan kung sino talaga dahil wala pa namang sinasabi ang mismong sangkot sa isyu kung sino ang da­pat managot sa kan­yang dinadala.

Merong nagsasa­bing negosyante raw ang ama ng bata, meron namang nagsasabing isang kilalang persona­lidad daw ang ama nito, nakakaladkad pa nga sa isyu ngayon ang isang lalaking nauugnay sa isang popular na ac­tress-TV host singer.

‘Yun ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw man niya ay kailangan niyang umalis habang lumalaki ang kanyang tiyan, siguradong pag­pipistahan ang kanyang pagbubuntis, kaya para wala nang tensiyon ay lu­mayo na lang ang aktres.

Isang araw ay ma­lalaman din natin kung sino ang ama ng dina­dala ni Camille, pansa­mantala ay maghintay-hin­tay lang tayo, dahil sandaling panahon na lang ay malalaman na natin ang katotohanan.


Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.